2 Nov 2006 pusakat   » (Journeyer)

Pumasa ako ng LPI exams 101 at 102. LPI-1 certified na ako!

Medyo matagal yung paghihintay para sa resulta, pero ayos na.

Hindi naman ako nagkaroon ng duda na papasa ako, yun lang, nakakainip na maghintay ng resulta kapag alam mong may resulta na yung mga kasabay mong nag-exam.

Naaalala ko nung nag-interview ako sa G, at napakatagal bago ko nalaman na hindi ako pasado. Medyo malayo na rin yung naabot ko sa interview process, kaya nakakapanghinayan.

Hindi rin ako gaanong nakapag-review para sa exams, kaya may konting kaba na baka sumablay noong una. Nung natapos na ang exams, medyo nakahinga ako dahil alam ko na kung saan ako nagkaproblema at hindi ganoon karami ang hindi ko masagot na tiyak.

Sa mga may balak mag-exam sa LPI, mag-aral kayo ng matagal bago mag-exam at mag-hasa kayo sa mga karaniwang ginagamit sa Linux. Maganda rin na yung bihirang gamitin na kaalaman ay mapag-aralan din, lalo na kung wala kayong alam talaga dito.

Latest blog entries     Older blog entries

New Advogato Features

New HTML Parser: The long-awaited libxml2 based HTML parser code is live. It needs further work but already handles most markup better than the original parser.

Keep up with the latest Advogato features by reading the Advogato status blog.

If you're a C programmer with some spare time, take a look at the mod_virgule project page and help us with one of the tasks on the ToDo list!