Pinag-iisipan ko kung mag-uupgrade na ako mula Breezy patungong Dapper sa iBook G4 na gamit ko ngayon. Ngunit may ilang mga balakid sa pagsulong nito.
Unang-una, walang mabigat na dahilan para mag-upgrade. Maayos naman ang takbo ng Breezy sa iBook ko, at wala naman akong kakulangan na nakikita dito. Siguro kung may mapansin akong panibagong software na talagang kailangan ko na mayroon sa Dapper na wala sa Breezy ay may timbang ito sa pag-upgrade.
Bukod dito, matagal masyado para sa akin na mag-upgrade mula dito sa bahay dahil naka-dialup lang ako. Bihira na nga akong madayo sa opisina kung saan may 4Mbps link akong magagamit, at sa mga pagkakataong iyon, wala akong panahon na mag-upgrade. Nauubos ang oras ko sa trabaho, meeting at walang panahon akong naiuukol sa pag-upgrade.
Mayroon ba kayong naisip na katwiran para mag-upgrade na ako?
