21 Jul 2006 pusakat   » (Journeyer)

Matagal na akong hindi nakapagsulat tungkol sa mga ginagawa ko na may kinalaman sa Debian/Ubuntu GNU/Linux.

Kasalukuyan kong pinag-iisipan kung isusulong ko ang Ubuntu Breezy Badger patungo sa Ubuntu Dapper Drake sa ginagamit kong iBook G4 na ito. Dahil sa kakulangan sa panahon na makipagsabayan sa mga mga pagbabagong nagaganap sa mundo ng Ubuntu ay nagdadalawang-isip ako na mag-upgrade. Sa halip, pinag-iisipan ko pa nga kung papalitan ko ng Debian etch ang nakaluklok na sa iBook na ito.

Sanay na din kasi ako na Ubuntu ang gamit ko sa iBook, at bihirang-bihira kong magamit ang sariling OS nito. Maganda naman ang Mac OS X, kung ako ang tatanungin. Subalit, mas-maganda ang karanasan ko na maging ano pa man ang ginagamit kong makina ay pareho ang OS na gamit ko.

Sa aking opisina, iilan lang ang makinang nagagamit ko na hindi Debian GNU/Linux ang nakaluklok na OS. Wala akong ginagamit na makina na may OS na galing sa Microsoft maliban lamang sa malimit na pag-print sa labas, na maaari ko rin naman sanang gawin mula sa makina ko pero wala ako sa opisina.

Ang kaisa-isang gawain sa bahay na nangangailangan na gumamit ang anak ko ng OS mula sa Microsoft ay upang makapaglaro. Ang ibang mga gawain namin ay nagagawa na lahat sa GNU/Linux.

Latest blog entries     Older blog entries

New Advogato Features

New HTML Parser: The long-awaited libxml2 based HTML parser code is live. It needs further work but already handles most markup better than the original parser.

Keep up with the latest Advogato features by reading the Advogato status blog.

If you're a C programmer with some spare time, take a look at the mod_virgule project page and help us with one of the tasks on the ToDo list!